Binuksan ng isang Badjao ang de-latang sardinas, umagos mula rito ang Dagat Sulu.
Mahika Realismo
Mahika Realismo ang sagisag-panulat ng isang mag-aaral ng agham na nagtatangkang magsulat sa genre ng tula at dagli. Sa loob ng mga limitadong karakter ng isang tweet, nanghihiram si Mahika Realismo mula sa kamalayang Filipino ng mga kasangkapan para kumatha gamit ang mahika realismo bilang estilong pampanitikan. Maaaring makita ang kanyang mga tula, dagli, at patutsada sa @MahikaRealismo sa Twitter.
Categories
Manananggal
Bagong taon nanganganak ang isang manananggal ngunit ipinatawag siya sa pabrika ng telang pinagtatrabahuhan. Iniwan ang kalahating humihilab sa bahay upang mag-labor at ang bahaging itaas niya ang siyang nag-overtime.
Sinilip ng pulubi ang basong lalagyan ng nalimos. Sa loob, nakita niya ang ulo ni Rizal, dumudugo at bagong pugot.