Author: Joshua Mari Lumbera
-
Ang Karamdaman ng Dagat
Tatakbo ang bata sa pampang, magtatampisaw,sisisid sa isang dipang lalim at makikitasa malabong salamin ng matanda ang tulya, lumot, naglalarong maliliit na isda. Sasali ang bata sa tagu-taguan ng mga isda,siya ang taya, hahanapin niya sila.Sisisid muli ang bata, dalawang dipang lalim at makikitasa malabong salamin ng matanda ang bahura, taklobo,mas maraming naglalarong mga pawikan. …