Author: John Lloyd Sabagala


  • Bukas Ulit ng Gabi

    Isang maulang gabing pikit ang bituin; tulog ang buwan. Walang nakakita, walang nakaalam. Walang saksi sa panandaliang pagtatampisaw sa ulan. Bawat patak ay hindi ingay kundi musika. Bawat kulog ay hindi takot kundi lugod. Bawat kidlat ay hindi sakit kundi sarap. Malamig man ay bukal ang dugo. Uhaw ang dalawang boteng umapaw sa patak ng…

  • Muni-muning Pagyakap sa Pagiging Mapag-isa’t Malaya sa Ilalim ng Buwan at Ibabaw ng Kamatayan

    Mainit, kaya binuksan ko ang durungawanMadilim, kaya inaya ko ang liwanag ng gabiMag-isa, kaya ako’y nagdasalHumingi ng tawad, humingi ng basbasSa poon ng buwan at ng kamatayan Sa ganitong oras na tahimik ang tahananWalang nang taong hindi tulogNgunit hindi ang damdamin kong kumakabogBuhay na buhay ang dugo kong kumukuloNa biglang tumatamlay pagdilat ng araw