Author Archives: Andyleen Feje

About Andyleen Feje

Si Andyleen C. Feje, mas kilala bilang Andy, ay tubong Quezon, Nueva Ecija, anak ng magsasaka na napilitang magsanla ng lupa upang hindi mabaon sa utang. Nagtapos siya ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa Polytechnic University of the Philippines (PUP, 2021) at Bachelor of Arts in Language and Literature sa Central Luzon State University (CLSU, 2015). Siya ay naging fellow ng: Ikalawang Palihang Lazaro Francisco (Maikling Kwento), Pamiyabe19 (Tula), Ikalawang Pambansang Palihang Multi-Genre ng PUP (Dagli), at 17 th Ateneo National Writers Workshop (Maikling Kwento). Kasalukuyan din siyang bahagi ng Atsara Collective, Kataga, at Bahaghari - Metro Manila. Ilan sa kan’yang mga akda ay mababasa sa Young Blood column ng Philippine Daily Inquirer, Lagda: Journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan, at Agos: UP Refereed Journal ng Malikhaing Panitikan.

Pigil-Gigil

Tagpuan: Sa loob ng isang public high school sa Cabanatuan City, 2019

Mga karakter: 

BADET, 15, maitim, mapayat, malakas ang boses, magaslaw, may katangkaran at mahaba ang rebonded na buhok (na animo’y dinilaan ng baka)

NESSA, 16, hukot, maliit, maigsi ang buhok na kahawig ni Vilma Santos

(Nahahati ang entablado sa dalawang bahagi. Sa kanan ay ang hallway ng public high school, at sa kaliwa nama’y naroon ang CR na pambabae na may tatlong cubicles na punong-puno ng vandal ang loob at labas ng mga pinto pati na ang pader—may mga eksaheradong drawings ng tite, puke, may suso, may nakasulat na wanted textmate at kung anu-ano pa gamit ang marker at nail polish.)

Continue reading