June 2021

Pag-alala kay Jose Garcia Villa

Madalas akong nakikitulog sa bahay ng tiyahin ko sa katabing siyudad ng Hamilton. Mas malaki ito, at para sa mga kadalasang mas may kayang taga-Burlington, mas magulo. Steel industry ang nagpalago sa Hamilton sa umpisa ng ika-20 na siglo, at dahil sa ina-outsource na ito sa labas ng Canada sa umpisa ng ika-21 na siglo, parang may identity crisis ang siyudad. Kung dadaan ka sa Burlington Skyway makikita mo sa kanan ang mga magkakatabing pabrika ng bakal sa dulo ng Hamilton Bay, ang ilan may lumalabas pang apoy o usok sa mga smokestack. Kuwento ng isang kakilala ko, ito daw ang dahilan bakit hindi siya naliligo sa Lake Ontario. Malapit sa industrial district ang mga lugar kung saan nagtipon ang mga imigranteng Portuguese at Ukrainian at nagsimula ng bagong buhay. May ilan pang mga maiingay na grocery at karinderya pero unti-unti na rin pumapasok ang mga sosyal na coffee shop at art gallery. Mas maliwanag na rin ang mga poste ng ilaw sa gabi.

Sa siyudad na ito nakakuha ng bahay ang Tita Ping ko kasi ‘di hamak na mas mura pa rin ang presyuhan dito. Sinubukan din nilang makahanap ng bahay na medyo malayo sa downtown, kasi nga madalas ang gulo. Sa East End sila nakakita. Maraming Pinoy ang nakatira sa Hamilton, parehong sa sentro at sa mga laylayan nito, kahit na nagtatrabaho sila sa mga nursing homes at tagalinis ng mga bahay sa mga suburban na siyudad tulad ng Burlington. Mga bente minutong drive, o isa’t kalahating oras kung i-commute. Dahil sa haba ng byahe, halos hindi ko pupunta sa bahay nila Ta Ping na mag-isa. Hinihintay ko muna matapos ang shift niya sa gabi, saka magpapadaan sa apartment. 

Read More

Kuya Macoy

I stood there, leaning on the stone guardrail of the unfinished road by the sea, water crashing upon the seawall, sky transitioning into a burst of hues – peach, cherry, flame. The deteriorating, faux gold replica of Michelangelo’s David stood proudly behind me; his eyes towards the horizon, perhaps watching me, too. I reminisced the countless times I had seen the blood flow from my flesh, from every notch of the blade marking every day and degree of suffering. In the ninth grade, it started with a couple of shallow ones just because of a petty argument about failing grades, thin as a strand of hair, yet it stung like a papercut. Slowly, I grew accustomed to seeing my own blood out of my veins as though it were never meant to be kept in.

         I imagined death to be a dream, but not because I believed in a heaven or reincarnation. It was a dream because it was nothingness. It was freedom from a world that always had something. I wanted to escape the world that was slowly being consumed by fire. The same one from which all civilization began. The plight of people hopelessly toiling in a system that let the rich buy hectares of land for revenue while everyone else could barely pay rent or witness their makeshift houses torn down for business or estates became mine, too. The woes of others burdened me. I heard them, looked them in the eyes, with my dull eyes. Sad, hopeless eyes.

         I thought that nothing could be done to save us.

Read More

Kung Pwede Lang

Paubos na ang laman ng long neck na Emperador pero hindi pa rin nagkikibuan sina France at Noel. Nag-aabutan lang sila ng tagay. Nagpapalitan ng tingin at nagsasagutan ng buntong-hininga. Sa labas ng isang maliit na patamaran, nakapagitan sa kanila ang isang maliit na mesa kung saan nakapatong ang mangkok ng halos hindi nagalaw na tokwa’t baboy. Sa ilalim ng mesa ay nagkalat naman ang upos at filter ng sigarilyo. Paubos na ang isang kahang dala ni France.

Tahimik lang din na nakatunghay ang puno ng palapat sa likuran ng dalawang binata. Bihira ang dumadaang bangkang de-motor. Walang imik ang itim na asong alaga ng tatay ni Noel; busog marahil sa napanis na kanin na hinaluan ng simi ng inihaw na bangus.

Pangkaraniwan naman ang ganitong katahimikan sa maliit na palaisdaan nila Noel. Ngunit nakapagtatakang tila mas nakabibingi ang kawalang ingay noong hapon na iyon.

Read More

Man-og

“Kadamo na gid sang man-og sa palibot subong ‘day, no?” Bungad sa akin ni Vinus, na isa sa mga bestfriend ko sa high school.

Umaga iyon. Nakatayo kaming dalawa sa tabi ng basketball court ng eskuwelahan habang pinanonood si Manu na nakikipag-agawan ng bola at nakikipaghabulan sa mga kapwa binatang kalaro nito.

“Kadamo na gid sang man-og sa palibot.” Ulit niya sa mas mabigat na boses. Nakasunod pa rin ang mga mata sa nagugustuhang binata. Hindi niya maidapo ang paningin sa mga mata ko gayong ako naman ang kausap niya.

Read More

Sodom at Gomorrah

“Don’t make another Sodom and Gomorrah out of this classroom.” Halos pumutok na ang mga ugat sa leeg ng fourth year adviser namin nang humarap siya sa klase.

May nagsumbong daw sa kanya. Ginagawa raw parausan ng ilan sa amin ang banyo ng homeroom. Tahimik ang lahat. Nagpapakiramdaman. Hindi naman maitago ng ilan ang mga nakaimprentang question mark sa noo. Isa ako sa mga nakikiramdam. Pasulyap-sulyap sa dalawa kong kaklase – kina Rik at Edsel.

Absent ang adviser namin noong isang araw. Kapag wala ang teacher, wala ring klase sa subject niya. Libreng oras. Huwag lamang labas nang labas sa classroom at baka maimbitahan sa principal’s office na katabi lamang ng kuwarto namin. Para hindi masayang ang isang oras na walang matututuhan, magdadaldalan ang karamihan sa amin. Ang ibang mga grade conscious, magrereview o kaya’y gagawa ng assignment na ipapasa kinabukasan. Ang iba, maglalabas ng songhits at magkakantahan ng A1, Westlife, at M2M songs.

Read More